Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo oh pag sasalita. Komunikasyon ay isang mahalagang bahagi n gating buhay. Sapagkat ito ay isang uri ng pakikipag usap sa ibang tao. Madali mong maipapadama ang nararamdaman mo kung ikaw ay makikipag usap sa taong gusto mong makausap.
KATUTURAN AT KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON
- Ang komunikasyon ay napakahalaga sa buhay ng isang tao at gayun din sa bansang kanyang kinalalagyan
Ang anim na batayang sangkap ng proseso ng komunikasyon
1.Ang nagpapadala ng mensahe
Ito ay tumutukoy sa tao o pangkat ng mga taong pinagmumulan ng mensahe. Sya o sila ang tumutukoy sa mensaheng pinapadala.
2.Ang mensahe
Any may dalawang aspeto:mensaheng pangnilalaman o pang linggwistika at mensaheng relasyunal o mensaheng di-berbal.
May dalawa itong kategorya:daluyang sensori o tuwirang paggamit ng paningin, pandinig, pang-amoy, panlsa at pandama. Ikalawa ay ang daluyang institusyunal.
4. Ang tagatanggap ng mensahe
5. Pang tugon o fidbak
Ang pagbibigay ng tugon o fidbak ay isang mahalagang paraan ng pagkontrol sa mga sagabal sa komunikasyon. Ito ay maaring mauri sa tatlo:1.tuwirang tugon 2. Di-tuwirang tugon 3. Naantalang tugon.
Tuwiarn kapag ito ay ipinadala at natanggap agad agaran matapos ipadala at matanggap ang mensahe. Di-tuwiran, kapag itoy ipinahayag sa pamamagitan ng anyong di-berbal. Ang naantalang tugon, ay iyong mga tugonna nangangailangan pa ng panahon upang maipadala at matanggap.
6. Mga potensyal sa sagabal na komunikasyon
Ito ay tinatawag sa ingles na communication noise o filter. Bawat proseso ng komunikasyonay maaaring magkaroon ng potensyal na sagabal.